Kahapon, May 8 ay nagpapictorial na ako para sa yearbook namin. Akalain mo nga namang gagaraduate na ako sa susunod na taon? Sana nga, makagraduate ako! Palimos ng pag-asa!
Matagal tagal na rin ang nakalipas mula ng pinag-isipan ko pa noon kung anong kurso ang gusto ko. Inaamin ko naman hanggang sa ngayon, na hindi talaga ito ang pinaka gusto ko talagang kurso, kumbaga 'second choice' lang. Alam ko naman sa sarili ko ito, na hanggang sa ngayon nararamdaman ko pa rin na hindi ito ang nararapat para sa akin. May mga panahon na nanliliit ako sa sarili ko kapag nakikita ko yung mga ka schoolmates ko na magagaling at gustong gusto nila yung ginagawa nila. Yung tipong kahit natutulog sila , alam na alam nila sa puso nila na 'Ito talaga ang gusto kong gawin habambuhay'. Pero syempre ano pa ba ang magagawa ko? Ginusto ko 'to eh, tapusin na lang. Tsaka kahit papaano naman nagugustuhan ko na. Nakaka-enjoy din naman. Ang kinakatakot ko lang ay kung hanggang kelan? Kumbaga feel ko limitado ang lahat. Ewan.
So ayun na nga, ayoko ng maging emo. Sawang -sawa na rin kasi ako sa kakaisip ng ganito. Simula't sapul ito na yung iniisip ko lagi.
Anyway, basta nakakenjoy din naman yung pictorial. :D Ang saya lang nung creative shots na nasa parang box.
Ayun, good luck sana nga maka graduate ako sa 2014 :>
P.S Ang tanda ko na hahah
No comments:
Post a Comment